Saturday, March 21, 2009

Kasi ganito nga daw kami magchill

Kasi late akong dumating sa exam ko kanina kasi inumaga akong nagbasa nung readings, putragis, kalahati lang nasagot ko, sabaw pa utak ng lola mo.

Wala akong magawa, kaya nakibuntot nalang ako kay pangs. buti pa siya, may nagawa pa sa buhay niya. Pinag-usapan namin yung BC, yung pagdadagdag ng mga eksena, yung paglalagay ng mga goons, yung paglalagay ng green screen para sa mga 3d na aswang, etc.

Sa huli, sa school din kami napadpad, nag-iisip ng pwedeng magawa. Naisip naming mag L4D. Tinawagan ko yung mga uwak na kalaro ko at nakausap kong gusto ding makalaro. Nabitbit namin si Karl at Faith sa Ge-Cube sa may USC; at nagmistulang mga rebelde sa karagatan ng mga naglalaro ng DoTA. Bahala kayo sa mga buhay nyo, masayang suimigaw basta nakakatakot ang tugtog.

Pagkatapos ng dalawang larong umabot ng isa't kalahating oras na pinuno ng sigaw ni Faith, nagkoro na ang mga tiyan, at nagsilikas na kami upang makakain ng hapunan. Sabi ni Pangs, sitsit daw ng sitsit yung mga nagdodota para tumahimik kami. Hindi namin napansin kasi sumisigaw din sila.

Nangimbita pa kasi pinsan ni Faith na pumunta kaming Outpost, at ako din ang nagpilit na magpunta kami, kaya napadpad kaming lahat dun. Reggae daw. Chill.

Pagdating dun, sumakit lang ulo ko sa dami ng tao. Pakiramdam ko tuloy, sumabak kami sa isang misyon na puro horde at smokers ang kalaban. Ang masaklap, wala kaming dalang baril. Bwiset.

No comments: